4- ARGUMENT

1038 Words
Christina's POV Napansin kong naglakad paalis si Harper pagkatapos kausapin ang kaniyang dalawang bodyguard na kasama. Naiwan ang dalawang bodyguard niya at napansin kong papalapit sila sa akin. Sinubukan kong tumakbo paalis ng stage ngunit hinarangan naman kaagad ang daraanan ko ng dalawang bouncer. "Padaanin niyo ko!" sinamaan ko sila ng tingin. Ngunit umiling ang mga ito. Huli na para tumakbo pa dahil tuluyan ng nakalapit sa akin ang dalawang bodyguard ni Harper. Pagkalapit ay mabilis nilang isinuot sa akin ang coat, tinakpan ang katawan kong kanina pa nakalantad sang mga lalaking nandito sa club. "Ma'am, please come with us." mahinahong sabi ng isa, pero mahigpit ang hawak sa braso ko kaya medyo nasasaktan ako. Tinanggal ko ang kamay niya. "Don't touch me!" mariin kong sabi. Hindi ko na nakikita pa si Harper. Ano bang binabalak niya? Hindi man lang siya lumingon sa akin kanina. "Let me go! I'm not going anywhere with you!" mariin kong ulit, pilit kumakawala sa higpit ng hawak nila sa akin. "Ma'am, we're just following orders." sagot ng isa pa. "Then tell your boss I'm not his toy para sumunod sa kaniya!" sagot ko, puno ng galit. Bago pa man sila makapagsalita. May naaninag na akong matangkad na anino sa aming harapan. Nang mapunta ito sa may ilaw na banda nitong club tsaka ko lang nasilayan ang mukha ni Harper. Ang sama ng tingin nito sa akin. Nakapamulsa ang mga kamay niya at feeling cool. "I already bought you, Christina. So what exactly are you acting up for?" Parang napako ako sa kinatatayuan ko. "Follow me!" maatoridad na sabi niya tsaka niya kami tinalikuran. Kumulo ang dugo ko, pero kasabay noon ang pakiramdam na parang wala na talaga akong laban sa kaniya. Mariin kong kinuyom ang aking kamao. "Fine!" bulong ko sa sarili. Katulad nga ng sabi niya sumunod ako sa mga bodyguard niya pero hindi ako nagpahawak. Inalis ko ang kamay ng isa nang tangkain niyang hawakan ang aking braso. "I can walk on my own." mataray kong sabi dito. Paglabas namin ay natanaw ko pa ang pagpasok ni Harper sa loob ng sasakyan. Hindi na ako nakaimik pa ng hawakan ng bodyguard ang kamay ko at hinila papunta doon. Binuksan nila ang pinto ng kotse at itinulak ako papasok sa loob. "Aray ko! Dahan-dahan naman!" sigaw ko bago tuluyang isarado ng bodyguard ang pinto. Binalingan ko si Harper na diretsong nakatingin sa unahan. "Hindi mo ba pagagalitan ang bodyguard mo? Itinulak nila ako dito papasok sa loob ng kotse mo. Ang sakit kaya." reklamo ko habang hinihimas ang aking puwet. Masyado yatang nalamog pagkaupo ko. Biglaan ba naman. Bumaling siya sa akin. Seryosong-seryoso ang mukha. Bigla na lang akong natawa. "Ah, masyado kang obssessed sa akin kaya kahit dito sinundan mo 'ko at talagang binili mo pa ako. Five hundred million? Ganoon ba kalaki ang halaga ko sa 'yo?" bahagya akong natawa. "Kailan ba natin sisimulan para matapos na. Gusto mo dito natin gawin?" sarkastikang sabi ko sa kaniya tsaka sinubukan na lumapit sa kaniya upang umupo sa kandungan niya. Hindi naman ako nahirapang umupo habang nakaharap sa kaniya. Napalunok na lang ako ng magtama ang aming paningin. Titig na titig siya sa akin. Nandito na ito kaya ano pa bang gagawin ko kundi paligayahin siya. Ito naman talaga ang gusto niya. Ang katawan ko. Hindi siya gagastos ng ganoon kalaking halaga kung hindi niya titikman ang katawan ko. Sinubukan kong ikawit ang aking mga braso sa kaniyang leeg ngunit nagulat ako ng bigla niyang hawakan magkabilaan ito. "Stop it, Christina or else I'll f**k you right here in front of my bodyguard!" He whispered, then gently bit the tip of my ear. Natigilan ako at napalingon sa unahan. Napangiwi ako ng makitang may tao pala doon sa driver seat. Napahiya pa tuloy ako. Muli akong napatingin kay Harper ng kabigin niya ang aking mukha paharap sa kaniya. Titig na titig siya sa akin. "Why?” malamig niyang tanong. “Why would you sell your body in a club, Christina?” Napatawa ako nang mapakla. “Ayokong magmakaawa sa manlolokong katulad mo. Mas pipiliin kong ibigay ang katawan ko sa iba kaysa sa’yo.” Kaagad umigting ang panga niya. Sa isang iglap, naramdaman ko ang kamay niya na mahigpit na pumisil sa aking baba, pinilit akong tumingin sa kaniya. Napasinghap ako sa sakit. “You think you have a choice?” he said in a low, dangerous voice. “You belong to me now, Christina. I paid a huge price for you.” Nanlaki ang mata ko. “Anong kapalit?” pilit kong tanong, kahit ramdam ko ang kaba na gumagapang sa dibdib ko. “Anong gusto mo?” Sandali siyang tumahimik, pero ang titig niya ay parang apoy na handang tumupok sa akin. “Prepare yourself,” malamig niyang sagot. “Because you’re going to marry me.” Napaawang ang labi ko. "And after that, doon ko kukunin ang kapalit ng malaking halaga na ibinayad ko para sa 'yo. Just make sure you’re good enough to satisfy me.” Napaawang ang labi ko. Tumikhim ang bodyguard niya sa unahan. "Boss, aalis na po ba tayo?" "Start driving." maawtoridad na utos ni Harper. Hindi pa ako nakakaalis sa kandungan ni Harper ng buhayin na ng bodyguard niya ang makina. "T-teka!" sigaw ko. Aalis na sana ako ng biglang pigilan ni Harper ang aking mga hita. May kung anong kuryente akong naramdaman ng dumampi sa hita ko ang palad niya. Napatingin kaagad ako sa kaniya. Sumenyas akong pakawalan niya ngunit hindi niya ginawa. "Ano ba? Paalisin mo nga ako." pakikipagbangayan ko sa kaniya. Hindi siya nagsasalita ngunit alam kong wala talaga siyang balak na paalisin ako sa kandungan niya. "Harper! Yung ano mo tumutusok." nakangiwing sabi ko ng bigla kong maramdaman ang paninigas nito. Napatingin siya sa akin. "Hayaan mo, hindi lang tusok gagawin niyan bukas kaya humanda ka." "A-ano?" ang hilig talaga ng manlolokong 'to. Sa inis ko inuntog ko ang noo niya gamit din ang noo ko. "What the f**k!" napahimas siya sa kaniyang noo "Aw!" impit ko. Napahimas rin ako sa aking noo sa sobrang sakit. Sa palabas ko nakikita 'yon. Akala ko walang sakit pero masakit pala. "Tsk!" napailing na lamang ito habang ako ay napairap sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD